COVID-19 REPRODUCTION NUMBER SA NCR BUMABA PA

INIULAT  ng independiyenteng grupo ng mga eksperto na OCTA Research Group kahapon na ang COVID-19 reproduction number sa National Capital Region (NCR) ay bumaba pa sa 0.57 na lamang, mula sa 0.58 na unang naitala.

Nabatid na ang reproduction number, o yaong bilang ng mga taong maaaring ihawa ng isang pasyente ng COVID-19, na mas mababa sa 1 ay indikasyon ng pagbagal ng transmission o hawahan ng virus.

Ayon kay OCTA fellow Dr. Guido David, ang NCR ay nakapagtala lamang ng 1,159 bagong kaso ng sakit nitong Linggo.

Ani David, ito na ang pinakamababang bilang ng mga bagong kaso na naitala sa rehiyon buhat noong Hulyo 28, o bago muling isinailalim ang NCR sa enhanced community quarantine (ECQ) noong Agosto 6 hanggang 20.

Samantala, ang seven-day average sa NCR ay bumaba rin sa 1,448 habang ang positivity rate ay bumaba rin sa 9%.

“The last time positivity rate was at 9% was from July 23 to July 29,” ayon kay David, sa kanyang Twitter account.

Iniulat pa ni David na ang kasalukuyang average daily attack rate (ADAR) ay nasa 10.23 per 100,000 population.

Ang hospital occupancy rate naman sa NCR ay nasa 44% habang ang ICU occupancy rate ay bumaba na rin sa 59%.

Una nang tinaya ng naturang independiyenteng grupo ng mga eksperto na kung magpapatuloy ang kasalukuyang trend ay posibleng umabot na lamang sa 5,000 hanggang 6,000 ang daily new COVID-19 cases hanggang sa katapusan ng Oktubre.

Hinikayat naman ng infectious disease expert na si Dr. Rontgene Solante ang mga mamamayan na huwag maging kampante at patuloy pa ring mag-ingat laban sa COVID-19 dahil mataas pa rin aniya ang ICU utilization rate sa mga pagamutan kahit pa bumababa ang mga naitatalang bagong kaso ng sakit.

Matatandaang pumalo na lamang sa 6,913 ang mga bagong COVID-19 infections na naitala sa bansa nitong Linggo. Ana Rosario Hernandez

10 thoughts on “COVID-19 REPRODUCTION NUMBER SA NCR BUMABA PA”

  1. 288932 978206An intriguing discussion will probably be worth comment. I think that you merely write significantly far more about this topic, it may well become a taboo topic but generally consumers are inadequate to communicate in on such topics. To an additional. Cheers 675901

  2. 322742 529436Aw, this was a truly nice post. In concept I wish to put in writing like this furthermore ?taking time and actual effort to make an outstanding write-up?however what can I say?I procrastinate alot and by no means appear to get something done. 213771

  3. 163531 498067This is such a great resource that youre offering and you give out at no cost. I appreciate seeing internet sites that realize the worth of offering a perfect beneficial resource completely free of charge. I genuinely loved reading your submit. 680741

Comments are closed.