COVID-19 REPRODUCTION RATE SA QC, BUMULUSOK

covid patient

MAS lalo pang nababawasan ang nahahawaan ng virus ng Covid-19  sa loob ng dalawang linggo sa Quezon City.

Batay sa daily monitoring ng OCTA Research, naitala na lamang sa 0.98 Reproduction Rate o R0 ang hawaan ng Covid-19 mula June 1-7. Mas mababa ito kumpara sa 1.07 na record mula May 25 hanggang May 31.

Naabot din ng Quezon City ang target na  less than 1.0 na reproduction rate.  Ipinapakita ng numerong ito kung gaano kabagal na ang pagkahawa mula sa virus.

Ang R0 na mas mababa sa 1 ay nangangahulugan na ang bawat kumpirmadong kaso ng Covid-19 ay may maliit na tsansang makapanghawa, o magdulot ng bagong infection.

Umabot na rin sa humigit kumulang 3,500 ang testing capacity ng Quezon City sa nakaraang linggo.

Nananatili naman sa 10 porsiyento ang positivity rate ng lungsod kung saan mas mataas pa rin ito sa pamantayan ng World Health Organization (WHO) na 5 porsiyento.

Ipinapakita rin nito ang dami ng nagpopositibo mula sa isinasagawang testing. BENEDICT ABAYGAR, JR.

4 thoughts on “COVID-19 REPRODUCTION RATE SA QC, BUMULUSOK”

Comments are closed.