SUMIPA na sa 1.46 ang COVID-19 reproduction number ng Pilipinas habang nasa 1.90 naman ang National Capital Region (NCR).
Sinabi ng OCTA Research Group, magmula lamang ito ng Agosto 8 hanggang 14 kung kailan nakapagtala ang bansa ng average na 11,000 bagong COVID-19 cases kada araw.
Lumabas sa report ng OCTA nitong Linggo, ang one-week growth rate ng mga bagong kaso ng sakit sa bansa ay nasa 29 porsiyento na sa kaparehong period.
Ipinarating pa ng grupo na inaasahan na nilang magpapatuloy pa sa pagtaas ang mga bagong kaso ng sakit, sa susunod na linggo. “It is very likely that new cases will continue to increase to next week,” anang OCTA.
Sa isang Twitter post, sinabi naman ni OCTA Fellow Dr. Guido David, na ang reproduction number sa NCR ay nasa 1.90 na nitong Agosto 14 mula sa 1.85 lamang noong Agosto 13.
Ayon kay David, nangangahulugan ito na kaya nang makahawa ng isang pasyente ng COVID-19 ng hanggang dalawang katao pa.
Ang hospital bed occupancy naman sa rehiyon ay nasa 64 porsiyento habang ang ICUs ay umabot na sa 71 porsiyento sa unang pagkakataon, simula noong Mayo 5, 2021.
Mula Agosto 8 hanggang 14, ang seven-day average ng NCR ay tumaas na rin ng 47 porsiyento o naging 3,066 cases mula sa dating 2,080 cases noong naunang linggo.
Ang average daily attack rate (ADAR) o incidence rate sa Metro Manila naman ay naiulat sa 21.95 cases per 100,000 population, na nangangahulugang nasa ilalim na ito ng “high risk” classification.
Iminungkahi naman ng eksperto na upang makatulong sa pagpapababa o pag-stabilize ng COVID-19 trend sa Metro Manila, kailangan ang higit pang kooperasyon mula sa publiko, mas agresibong contact tracing, at mas marami pang pagsusuri lalo na ngayong mataas na ang positivity rate. BENEDICT ABAYGAR, JR.
171491 597732We guarantee authentic brands avoiding inferior commercial imitations, or even dangerous counterfeits. 158783
I do agree with all the ideas you have presented in your post. They’re really convincing and will definitely work. Still, the posts are very short for newbies. Could you please extend them a little from next time? Thanks for the post.
Hello there, I found your blog via Google while searching for a related topic, your website came up, it looks good. I’ve bookmarked it in my google bookmarks.
Thanks for the ideas shared on your own blog. Another thing I would like to talk about is that weight loss is not about going on a celebrity diet and trying to lose as much weight as you’re able in a couple of weeks. The most effective way to shed weight is by using it bit by bit and following some basic points which can make it easier to make the most out of your attempt to shed weight. You may understand and already be following some tips, nonetheless reinforcing knowledge never hurts.