COVID-19 SA BUONG MUNDO 517-M NA

PUMALO  na sa 517.20 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Sa pinakahuling tala, kabuuang 517,200,866 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming kaso ang Estados Unidos na may 83,578,094.

Sumunod ang India na may 43,105,222.

Nasa 30,564,536 naman ang kaso sa Brazil habang 28,957,421 ang napaulat na kaso sa France, Germany – 25,345,357, United Kingdom – 22,114,034, Russia – 18,227,66, South Korea – 17,544,398, Italy – 16,798,998, Turkey – 15,043,379, Spain – 12,009,059, Vietnam – 10,676,184

Lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 6,276,303 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 471,830,151 ang total recoveries o gimaling sa COVID-19 sa buong mundo. RIZA ZUNIGA