PATULOY na nakapagtatala ang Metro Manila ng pagbaba ng mga bagong kaso ng COVID-19, batay sa pinakahuling ulat na inilabas ng independent na OCTA Research Group araw ng Miyerkoles.
Ayon sa grupo ng mga eksperto, ang National Capital Region (NCR) ay nakapagtala na lamang ng average na 829 kaso kada araw mula Hunyo 9 hanggang 15 o pagbaba ng 13% mula sa nakalipas na linggo.
Katumbas ito ng average daily attack rate (ADAR) na 6 per 100,000, na naglalagay sa Metro Manila sa ilalim ng moderate risk classification.
Samantala, bumaba rin ang reproduction number sa NCR sa kahalintulad na panahon, na umaabot na lamang sa 0.69 at nasa 8% naman ang positivity rate.
Nasa 35% naman hospital bed occupancy sa capital region, 46% ang ICU bed occupancy, at 33% ang mechanical ventilator occupancy, na pawang sakop ng itinuturing na ‘safe levels.’
Idinagdag pa ng OCTA na lahat ng local government units (LGUs) sa Metro Manila ay klasipikado na ngayon bilang moderate risk.
Ang Navotas naman ang nakapagtala ng pinakamababang ADAR, na sinundan ng Marikina, Caloocan, at Malabon.
Samantala, ang Pateros naman ang nakapagtala ng pinakamababang average ng mga bagong kaso.
Ang Metro Manila, kasama ang Bulacan ay nasa ilalim pa rin ng general community quarantine “with some restrictions” simula nitong Hunyo 16 hanggang Hunyo 30, 2021.
Samantala, 5,414 ang panibagong napaulat na kaso ng COVID-19 araw ng Miyerkoles.
Sa huling datos ng Department of Health ay pumalo na sa 1,332,832 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Nasa 158 naman ang napaulat na nasawi kaya umakyat na sa 23,121 o 1.73 porsiyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Nasa 7,637 naman ang gumaling pa sa COVID-19. Ana Rosario Hernandez
797683 311321I take pleasure in the comments on this blog, it genuinely gives it that community feel! 111339
298457 970068Basically wanna input on couple of common points, The web site layout is perfect, the articles is really very good : D. 607277