Pumalo na sa 255.09 milyon ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 255,099,514 ang may COVID-19 sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 48,161,377 cases.Sumunod ang India na may 34,466,598 cases.
Nasa 21,965,684 ang mga kaso sa Brazil habang 9,637,190 cases sa United Kingdom.
Sa Russia – 9,145,912, Turkey – 8,457,119, France – 7,310,664, Iran – 6,051,642, Argentina, 5,308,781, Germany – 5,108,904, Spain – 5,061,045 at Colombia – 5,036,287.
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 5,129,836 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Umaabot sa 230,635,391 ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo. RZ