PUMALO na sa 275.01 milyon ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Sa huling tala, nasa kabuuang 275,017,427 ang tinamaan ng COVID-19 sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming kaso ang Estados Unidos na may 51,765,714 cases.
Sumunod ang India na may 34,746,838 na nasa 34,746,838.
Pumapangatlo ang Brazil na nasa 22,213,762 habang 11,361,387 ang napaulat na kaso sa United Kingdom.
Sumunod ang Russia – 10,214,790, Turkey – 9,171,119, France – 8,625,849, Germany – 6,812,736, Iran – 6,170,979, Spain – 5,455,527, Argentina- 5,389,707, Italy – 5,389,155, Colombia – 5,107,323.
Kabuuang 5,370,457 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa habang 246,766,389 ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo. SID SAMANIEGO