COVID-19 SA MUNDO 31-M NA

WHO-PPE

PUMALO na sa 31 milyon ang naitatalang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19 ) sa buong daigdig.

Batay sa tala ng World Health Organization (WHO), nangunguna pa rin ang Estados Unidos na may mahigit 6 milyong kaso.

Sinundan ito ng India na mayroong mahigit 5 milyon, Brazil na may mahigit 4 milyon habang mahigit 1 milyon naman ang naitala sa Russia.

Kaugnay nito, umakyat na rin sa mahigit 940,000 ang bilang ng mga nasawi sa iba’t ibang bansa .

Habang mahigit 22 milyon naman ang total recoveries na naitala sa buong mundo.

Comments are closed.