INIULAT ng independiyenteng OCTA Research Group na nasa moderate risk na sa COVID-19 ang National Capital Region (NCR).
Sa pinakahuling ulat ng grupo ng mga eksperto, na ibinahagi ni OCTA Fellow Dr. Guido David sa kanyang Twitter account, nabatid na ito’y bunsod ng pagbaba na ng seven-day average ng mga bagong kaso ng sakit sa lugar ng 28%, na nasa 3,120 na lamang.
Ayon sa grupo, bumaba rin ang reproduction number sa rehiyon na nasa 0.81 na lamang mula sa dating 0.84 habang ang average daily attack rate (ADAR) ay nasa 22.34 na lamang o mas mababa sa 25, na nangangahulugang ito ay nasa moderate risk na.
“Reproduction number 0.81 and ADAR below 25 means NCR now at moderate risk based on covidactnow,” tweet pa ni David.
Ang ADAR ay ang porsiyento ng mga indibidwal na nagpo-positibo sa COVID-19 per 100,000 population na sumasailalim sa pagsusuri, habang ang reproduction number ay ang bilang ng mga tao na maaaring ihawa ng isang pasyente ng COVID-19.
Bukod dito, ang positivity rate sa NCR ay bumaba na rin anila sa 16% sa nakalipas na pitong araw.
Ayon pa sa OCTA, kabilang sa LGUs na ikinokonsidera bilang moderate risk ay ang Malabon, Manila, Navotas, Pasay, Parañaque, Valenzuela, Taguig, at Mandaluyong.
Ang iba pa namang LGUs sa rehiyon ay nananatiling high risk, dahil ang healthcare utilization rates doon ay nananatili pa ring mataas. Ana Rosario Hernandez
567921 967282Oh my goodness! a fantastic write-up dude. Thanks a lot Nonetheless We are experiencing trouble with ur rss . Do not know why Not able to sign up to it. Maybe there is anybody finding identical rss dilemma? Anyone who knows kindly respond. Thnkx 972126