ISLAMABAD – MAGING ang mamamayan ng Pakistan ay natakot sa coronavirus disease (COVID-19) kaya naman ipinapatupad doon ang ang iba’t ibang precautionary measures upang maiwasang kumalat ang naturang sakit.
Ito ay dahil mayroon ng dalawang kaso ng COVID-19 sa Pakistan at ayaw na umano ng kanilang pamahalaan na madagdagan pa ito.
Sa panayam kay Dr. Rafi Ullah, gaya ng ibang mga bansa, bago umano makapasok sa airport, tinitingnan na umano ang kanilang body temperature sa pamamagitan ng thermal scanner.
Aniya, kung makita umano ng mga Pakistani airport authorities na mataas ang temperatura ng isang tao, kaagad umano itong ilalagay sa isolation at saka isasailalim sa quarantine procedures.
Nananatili namang kalmado ang lahat ng residente sa Pakistan kaugnay sa nasabing isyu ngunit nananatiling alerto upang hindi mahawaan ng nasabing virus.. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM