MALAKI ang posibilidad na magkaroon ng COVID-19 surge sakaling makapasok sa Pilipinas ang Omicron variant.
Una nang tinukoy ng World Health Organization na ‘variant of concern’ ang Omicron dahil sa bilis nitong makahawa.
Sinabi ni OCTA research fellow Dr. Guido David ang pahayag matapos makitaan ng pagsirit ng COVID cases sa South Africa kung saan una itong na-detect.
Sa ngayon, umaabot ang reproduction rate o bilis ng antas ng hawahan ng COVID-19 sa South Africa mula sa 0.48 sa 4.18.
Samantala, nasa 235 ang panibagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) araw ng Martes (Disyem 14), pumalo na sa 2,836,868 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 10,526 o 0.4 porsiyento ang aktibong kaso.
Nasa 4,104 sa active COVID-19 cases ang mild; 659 ang asymptomatic; 3,502 pasyente ang moderate; 1,868 ang severe habang 393 ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 10 naman ang napaulat na nasawi kaya umakyat na sa 50,351 o 1.77 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 780 naman ang gumaling kaya umakyat na sa 2,775,991 o 97.9 porsiyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.