CALOOCAN CITY- UMAASA ang Philippine National Police (PNP) na magsilbing babala sa mga mamemeke ng COVID-19 test result ang sinapit ng dalawang babae sa lungsod na ito.
Una nang sinalakay ng mga tauhan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang computer shop sa Brgy., 177 at inaresto sina alyas Angelica at Jeshel.
Nabatid na sa pamamagitan ng photoshop application ay napepeke ng dalawa ang COVID 19 RT-PCR test results.
Ikinasa ang operasyon matapos maging viral sa Facebook ang video ng isang lalaki nang palitan ang pangalan niya ang resulta ng swab test ng ibang tao.
Kinumpiska sa computer shop ang dalawang unit ng desktop computers, computer paraphernalia. Printers, photocopy machine at scanner.
Mahaharap ang dalawa sa kasong falsification of document at paglabag sa RA 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act. EVELYN GARCIA
Comments are closed.