COVID-19 TEST SA BALIK-TRABAHONG EMPLEYADO ‘DI MANDATORY -DOLE

Covid-19 test

HINDI na kailangang isailalim sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) test ang mga empleyado na magbabalik na sa kani-kanilang trabaho simula ngayong araw.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello lll, hindi mandatory ang COVID-19 test maliban na lamang sa mga manggagawa na makikitaan ng mga sintomas ng virus.

Gayunman, ipinaalala ni Bello na mahalagang maipatupad ng bawat nagbukas na kompanya  ang minimum health standards tulad ng pagkuha ng kanilang temperatura, pagsusuot ng face mask, physical distancing at mahigpit na sanitation protocols sa tanggapan. LEN AGUIRRE (DWIZ 882)

Comments are closed.