NAGPASALAMAT si Senador Christopher Bong sa agarang pagtugon ng Department of Health (DOH) sa panawagang isailalim sa COVID-19 test ang mga health worker.
Layon nito na masigurong malusog ang mga frontliner na nag-aalaga sa mga pasyente sa gitna ng pandemic na nararanasan hindi lang ng Filipinas kundi ng maraming bansa.
Ipinaliwanag ni Go, kailangang-kailangan ng bansa ang mga health worker kaya dapat lang na prayoridad din ng pamahalaan na alagaan ang mga ito.
Iginiit pa ng senador, dahil exposed sa mga pasyente ang mga health worker ay malaki rin ang posibilidad na mahawa ang mga ito kahit nag-iingat kaya mahalagang masigurong hindi carrier ang mga ito ng virus.
Iginiit ni Go, kailangang kailangan ng bansa ngayon ang mga nurse at iba pang health workers lalo na sa tumataas na bilang ng mga may sakit.
Samantala, umapela na rin si Go sa gobyerno na madaliin ang pagtatatag ng mas maraming testing centers sa mga ospital sa buong bansa. VICKY CERVALES
Comments are closed.