ISALANG muna ng mga kompanya sa COVID-19 test ang mga empleyado nito bago sila pabalikin sa kanilang mga trabaho.
Pahayag ito ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez kaugnay ng inaasahang pagbubukas ng ilang negosyo sa mga lugar na isasailalim na lang sa General Community Quarantine (GCQ).
Sinabi ni Lopez na sa ganitong paraan ay makatutulong ang mga pribadong kompanya sa mass testing initiative ng gobyerno para mapigilan ang mabilis na pagkalat ng COVID-19.
Dapat din na i-require sa mga kompanya ang pagsunod sa social distancing, pagsusuot ng mask, pagkakaroon ng temperature scanning at sanitation station.
Hiling naman ng grupo ng mga manggagawa sa mga may ari ng negosyo o kompanya na i-disinfect ang kanilang work place bago sila bumalik sa trabaho upang masigurong malinis at ligtas ito sa COVID-19.