INIHAHANDA na ng Department of Health (DOH) ang mga kagamitan at iba pang medical equipment sa Bicol Regional Diagnostic and Reference Laboratory (BRDRL) na siyang gagamiting testing center ng mga pasyenteng positibo sa COVID-19.
Batay sa pahayag ni DOH 5 Regional Director Ernie V. Vera, kabilang din sa inilatag na paghahanda ang seguridad ng mga health worker na magtatrabaho sa gitna ng apat na naitalang kaso ng positibo sa virus sa rehiyon na naging dahilan naman upang mag-panic ang ilang residente sa ilang barangay sa Albay at Camarines Sur.
Maging ang isolation facilities ng mga pasyenteng posibleng magkaroon pa ng virus na ito ay tinukoy na rin sa loob ng BRDRL upang patuloy naman ang serbisyo ng ibang pang laboratory katulad ng blood sampling, TB testing at iba kung saan tanging ito ang magsisilbing testing center ng COVID-19 sa anim na lalawigan sa rehiyon.
Bubuksan ang subnational facility na ito sa ikatlong linggo ng Abril. NORMAN LAURIO
Comments are closed.