‘COVID-19 TESTING KITS’ DAPAT NANG MAIPAMAHAGI SA ‘SUB-NATIONAL LABS’

COVID-19 TESTING KITS

NANAWAGAN ang senior deputy minority leader ng Kamara de Representantes sa pamunuan ng Department of Health (DOH) na madaliin na nito ang pamamahagi ng ‘COVID-19 testing kits’ partikular sa mga itinalagang subnational laboratories sa ilang mga lugar sa bansa.

Ayon kay 1st Dist. Iloilo Rep. Janette Garin, bilang siyang National Reference Laboratory for emerging infectious diseases, nasa kustodiya ngayon ng Research Institute for Tropical Medicine ang naturang testing kits, na mula sa World Health Organization (WHO).

Mayroong namang itinalagang mga subnational laboratory sa ilang partei ng bansa na silang mangangasiwa sa pagsasagawa ng kaukulang pagsusuri kaugnay ng nasabing sakit.

Ito ay ang Southern Philippines Medical Center (SPMC) sa Davao; Vicente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC) sa Cebu City; Baguio General Hospitsl & Medical Center; San Lazaro Hospital; Lung Center of the Philippines at UP-NIH, na pinangangasiwaan ni Dr. Salvana.

Subalit napag-alaman umano ni Garin, na naging  kalihim ng DOH noong nakalipas na administrasyon, na hindi pa ganap na naipatutupad ang distribution ng kinakailangang  testing kits.

“The medical technologists of all these laboratories have been trained at RITM weeks ago. Ano pa ba ang hinihintay natin? Kailangan din natin ipre­para sa COVID-19 ang ibang lugar sa Pilipinas.” sabi pa ng Iloilo province lady solon.

“Historical account will show that in every outbreak, medical technologists are immediately trained/ updated by RITM and immediately upon completion, they carry with them the testing kits para sabak agad sa trabaho. Now, our medical technologists have been trained but the kits have not yet been distributed.” Dugtog niya.

Giit ng mambabatas, kapag naipamahagi na ang testing kits, magkakaroon ng kakayahan ng mga nasabing subnational lab na matukoy kung positibo o hindi sa Covid-19 ang isang isasailalim sa pagsusuri.

“Yung mga specimen naman na nag-positive ay pwede na ipadala sa RITM for confirmation kung positive nga talaga. Faster distribution of the testing kits will decongest and deload RITM greatly kaya sana ay madistribute na ito upang mas maaga natin maprotektahan ang iba pa nating kababayan mula sa SARS-CoV2.” Panawagan pa ni Garin. ROMER R. BUTUYAN

Comments are closed.