INATASAN na ni Interior Usec.Jonathan Malaya ang Department of Health (DOH) sa Bicol na madaliin ang COVID-19 testing sa ilang indibidwal upang malaman na ang bilang ng iba pang posibleng positibo sa coronavirus disease (COVID-19) sa buong Rehiyon.
Bagaman sa kasalukuyan ay 25 lang ang positibo nito sa kabuuang 203 na ‘suspect’ o tinawag na person under investigation, dapaat sumailalim sa testing ang lalawigan ng Masbate at Catanduanes na malayo naman sa Albay kung saan naroon ang BRDL, ang nagiisang testing center dito.
Sinabi naman ng DOH-5 kay Malaya na nakikipag-ugnayan na ito sa iba’t ibang Provincial Health Office (PHO) kung anong mga hakbang ang gagawin upang magsagawa ng testing sa mga isolated na lugar ng rehiyon na dagdag gastos naman sa mga ito sakaling sa Albay pa rin isasagawa ang nabanggit na testing.
Kaugnay nito, naniniwala naman ang ilang lokal na opisyal dito na ang maagang pagsara ng mga entry points at mahigpit na pagpapatupad nito ng social distancing at home quarantine ilang araw bago magsagawa ng malawakang ECQ sa Luzon ang dahilan ng mababang bilang ng positibo sa virus na ito dahil na rin sa napigilan ang pagkalat nito mula sa ilang residenteng uuwi sana mula sa Metro Manila patungo dito. NORMAN LAURIO
Comments are closed.