COVID-19 TESTING SA TOURISM FRONTLINERS PINAMAMADALI

Alan Peter Cayetano

UMAPELA si House Speaker Alan Peter Cayetano na madaliin ang pagpapalawig sa COVID-19 testing sa tourism frontliners kasabay ng binabalak na muling pagbubukas sa tourism industry ng bansa.

Suportado ni Cayetano ang plano ng National Task Force against COVID-19 na palawigin ang testing strategy kung saan sasakupin na rin ang mga non-medical frontliner na hindi nagpapakita ng sintomas ng sakit.

Hinikayat din ng Speaker ang Department of Tourism (DOT) na makipagtulugan Task Force Test, Trace, Treat (T3) at sa mga pribadong sektor upang pabilisin ang plano sa pagsasagawa ng COVID-19 testing sa mga manggagawa at empleyado ng mga pangunahing tourist destination.

Naniniwala si Cayetano na makatutulong ang pagtaas ng testing capacity ng bansa para maiangat ang tiwala at kumpiyansa ng mga domestic tourist sa kanilang kaligtasan at kalusugan gayundin ang muling pagbubukas ng ekonomiya sa mga susunod na buwan.

Batay sa “Philippine Travel Survey” ng DOT, 77% ng mga Filipino ang nagpahayag ng kahandaan na bumiyahe sa mga pasyalan sa bansa sa oras na luwagan ang restrictions at 73% na respondents naman ang umaasa na mayroong ipapatupad na health at safety protocols sa mga travel establishment sa ilalim ng new normal. CONDE BATAC

Comments are closed.