SIMULA sa araw ng Lunes ay wala nang aabangan na pagpapalabas ng case bulletin ng Department of Health (DOH) tuwing alas-4 ng hapon.
Magiging lingguhan na lamang ang pagpapalabas ng dating arawang ulat ng COVID 19 cases sa bansa, partikular na ang bilang ng bago at aktibong kaso.
Ang pagbabago ay ginawa kasunod ng pagkaunti ng COVID 19 cases at maraming lugar ang nasa Alert Level 1 na lamang.
Ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na ang magiging laman naman ng weekly bulletin ay mga bilang ng severe at critical cases, healthcare utilization, partikular na ang mga nasa intensive care units (ICUs).
“So starting March 7… we will be issuing a revised case bulletin kung saan mas magpu-focus na po tayo sa 9severe and critical cases and the utilization in our ICUs,” sabi pa ni Vergeire.