COVID-19 VACCINATION SA CAMANAVA TAGUMPAY

NAGING matagumpay ang unang araw na isinagawang paglulunsad ng COVID-19 Vaccination para sa edad 5 hanggang 11 sa mga Lungsod ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela.

Sa datos ng Caloocan City Health Department, nasa 2,116 ang kabuuang bilang ng mga batang edad 5-11 ang nabakunahan kahapon kung saan Pfizer vaccine (0.2ml) ang ginagamit na bakuna matapos itong maaprubahan ng Food and Drug Administration para sa pagbabakuna sa nasabing age group.

Umabot naman sa 206 batang Malabonian edad 5-11 ang nabakunahan kontra Covid-19 sa dalawang vaccination sites sa Oreta Sports Complex at Robinsons TownMall sa Malabon City.

Sa Navotas, nasa 422 na mga batang Navoteño edad 5-11 ang nabakunahan laban sa COVID-19 ay nakatanggap ng candy mula sa Columbia at loot bags mula sa Relief International.

Naging maayos din ang mga pediatric vaccination site sa Malinta at Pasolo Elementary School sa Valenzuela para sa pagbabakuna sa mga batang edad 5 hanggang 11 kontra COVID-19.

Patuloy namang hinihikayat ng apat na Pamahalaang Lungsod ang mga magulang o guardian na pabakunahan ang mga anak para sa kanilang proteksyon laban sa COVID-19. EVELYN GARCIA