INAASAHANG sa Mayo 2021 ay sisimulan na ng pamahalaan ang pagbakuna laban sa COVID-19.
Ito ang iniulat ni vaccine czar, Secretary Carlito Galvez, Jr. kay Pangulong Rodrigo Duterte sa ginanap na special meeting noong Sabado ng gabi sa Malakanyang.
Sinabi ng chief implementer ng National Task Force COVID-19 na puspusan ang trabaho ng pamahalaan para magkaroon ng bakuna para sa government at private sector.
“The government is working to secure 20 million and 10 million doses for the government and private sector, respectively,” ayon kay Galvez.
Sa kanyang report sa Pangulo, posible aniyang makakuha ng kontrata sa Novavax Inc at Pfizer Inc sa susunod na linggo o sa Enero na habang may initial arrangement na rin para sa 20 million doses sa Moderna.
“So all in all sir if we will get Novavax, AstraZeneca, Pfizer, J&J, and also Moderna, we might have more or less 80 million doses. And also recently, Gamaleya of Russia also negotiated for another 25 million,” sabi pa ni Galvez.
Sa kasalukuyan, ang bansa ay nag-usisa na sa Gamaleya para sa third phase clinical trial information nito at umaasa si Galvez na makabibili rin ng Russian vaccine sa Enero.
Nilinaw rin ng opisyal na mauunang mabili ng Filipinas ang AstraZeneca.
“It is a portfolio. Basically, ang mauuna, sir, is AstraZeneca ‘yung magiging contract natin, Next is ang Novavax from Serum of India; next is Pfizer; and then maybe Johnson & Johnson. We have also the discussion of the head of terms and also the supply agreement and also with Moderna; and then followed by Gamaleya and also the Sinovac,” ayon kay Galvez.
Kaya hindi, aniya, totoo na nakapokus ang pamahalaan sa iisang brand o maker ng bakuna.
Magugunitang sinabi ng Pangulo na bumili na agad ng bakuna kung ano ang available at huwag nang intindihin ang gastos o presyo at ang mahalaga ay magkaroon na ng bakuna. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.