INIHAYAG ng isang opisyal ng Department of Health (DOH) na target ng pamahalaan na makumpleto ang isasagawang COVID-19 vaccination program sa bansa hanggang sa taong 2023.
Ayon kay DOH Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire, mayroong hanggang 2023 ang pamahalaan para magbakuna ng targeted population sakaling magkaroon ng pagkaantala sa deliveries ng mga bakuna.
“That’s why we indicated in our plan for this vaccine deployment program that it’s going to be until 2023 so that we have that wide margin if in case the delivery will not be on time,” ani Vergeire, sa panayam sa telebisyon.
“We are eyeing that we can be able to reduce this (bilang ng COVID-19 cases) or have good outcomes based on these vaccines hopefully by 2022, earlier than the 2023 target date,” aniya pa.
Sa inisyal na ulat, maaaring dumating ang unang batch ng mga bakuna o ang may 117,000 doses ng Pfizer-BioNTech sa bansa sa Pebrero 13 at posibleng masimulan ang pagtuturok nito sa susunod na linggo.
Gayunman, nilinaw ng DOH na wala pang eksaktong petsa ang pagdating ng bakuna, gayundin kung kailan masisimulan ang kanilang vaccination drive. Ana Rosario Hernandez
Comments are closed.