COVID-19 VACCINE ALOK NG AFP SA MGA KASAPI NG CPP-NPA

NAG ALOK na ng COVID-19 vaccine ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa hanay ng CPP-NPA-NDFP matapos na makumpirma ng Philippine Army 4th Infantry Division na ilang sa mga napatay at nahuling miyembro ng New People’s Army ay positibo sa coronavirus disease.

Una nang nag alok ng bakuna sa mga makakaliwang hanay ang Commander ng 4th Infantry Division Philippine Army nang makarating sa kanyang kalalaman na COVID-19 positive ang ilan sa mga nadakip at napaslang na Communist Terrorist Group (CTG) kasunod ng naganap na sagupaan sa San Fernando at Valencia City sa Bukidnon nang isalang sila sa pagsusuri.

Ayon kay Maj. Gen. Romeo S. Brawner Jr., pinuno ng 4ID, tatlo sa 10 CPP-NPA Terrorists (CNTs) na nahuli sa naganap na enkuwentro sa San Fernando ay may 3 rebelde kabilang ang isang menor ang napatunayang COVID-19 positive habang isa naman sa napatay na NPA ay lumitaw din ang COVID-19 positive.

Sa nangyaring sagupaan sa Valencia City , 3 CNT’s na nahuli kabilang ang dalawang menor ang nasuring positibo rin sa coronavirus.

“Many in the NPA ranks possibly have COVID-19 as evidenced by the positive test results of the captured and dead CNTs. Nais ko pong ipaalam sa kanila na wala pong pinipili ang COVID-19, sundalo, kapulisan, mga kawani, simpleng mamamayan at maging mga miyembro ng CPP-NPA-NDF ay tinatablan din ng nakakamatay na COVID-19. We are willing to provide COVID-19 vaccines to the CTG if they will decide to abandon the armed struggle and cooperate with us”, ani Brawner.

Ang mga nadakip na CNTs sa sagupaan sa San Fernando na lumabas na positive sa ginawang RTCPR test ay kinilalang sina alias Taburok, minor; alias Manman; at alias Daniel; habang inaantabayan pa ang resulta ng pagsusuri kay alias Jillian, isa sa apat na napatay na rebelde. VERLIN RUIZ

70 thoughts on “COVID-19 VACCINE ALOK NG AFP SA MGA KASAPI NG CPP-NPA”

Comments are closed.