COVID – 19 VACCINE DARATING SA  BER MONTHS, DUTERTE PAYAG PAG-EKSPERIMENTUHAN

DUTERTE41

INIHAYAG ni Pangulong Rodrigo Duterte na maaring maipamahagi na ang  COVID-19 vaccine sa buwan ng Setyembre o Oktubre.

Ito ay makaraang makausap ng Pangulo si Russian President Vladimir Putin at nangakong magbibigay ng bakuna nang libre.

Ayon sa Pangulo, kapag nagkataon,  asahan na na magkakaroon ng masayang Pasko ang mamamayan.

Nauna nang tiniyak ni Russian Ambassador Igor Khovaev na handang mag-invest ang kanilang bansa para makagawa ng bakuna kontra coronavirus at maibahagi ito sa mga Filipino.

Samantala, sinabi ng Pangulo na hindi siya mag-aatubiling magpabakuna sa harap ng publiko kapag dumating na sa bansa ang vaccine kontra COVID-19 na galing ng Russia.

Ayon sa pangulo, ito ay para maiwasan na ang satsat ng mga kritiko.

Nakaganda aniya  siya na unang pag-eksperementuhan ng bakuna.

“Ako, pagdating ng bakuna, in public, para walang satsat diyan, in public magpa-injection ako. Ako ‘yung maunang ma-eksperimentuhan. Okay para sa akin,” ayon sa pangulo.

Sinabi pa ng pangulo na malaki ang kanyang tiwala sa pag-aaral ng Russia at ang lilikhaing vaccine ay para sa humanity.

Dagdag ng pangulo, may mga volunteer din aniya para magpaturok ng vaccine at oobserbahan kung ano ang magiging reaksiyon nito sa  katawan. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.