COVID-19 VACCINE ‘DI MANDATORY SA NBA PLAYERS

bakuna

HINDI pipilitin ng NBA ang mga player nito na magpabakuna laban sa COVID-19 subalit ang mga referee at karamihan sa staff ay inaatasang magpabakuna, ayon sa report ng ESPN.

Patuloy na nag-uusap ang NBA at NBPA hinggil sa iba pang COVID-19 protocols para sa nalalapit na season kung saan ang ba-kuna ay sinasabing hindi mandatory sa mga player.

Gayunman, magpapatupad ang liga ng mahigpit na protocols para sa mga player na hindi bakunado.

Ayon sa report, ang naturang protocols, na hindi pa napagkakasunduan, ay kinabibilangan ng pagkain at pagbiyahe na malayo sa vaccinated teammates.

Sinabi ng liga na tinatayang 85 percent ng mga player ang bakunado na.

Noong nakaraang buwan ay inabisuhan ng liga ang mga koponan na ang mga tauhan na nagtatrabaho na 15 feet ang lapit sa mga player o opisyal sa mga laro ay kinakailangang magpabakuna bago ang Oktubre 2.

Samantala, iniulat ng  The Stein Line na papayagan na ang NBA coaches na magsuot ng casual na damit sa 2021-22 season.

Ang mga coach ay pinagsuot ng suits — na may collared shirts noong 2010 — hanggang sa restart ng liga sa bubble noong sum-mer ng 2020.

109 thoughts on “COVID-19 VACCINE ‘DI MANDATORY SA NBA PLAYERS”

Comments are closed.