COVID-19 VACCINE INJURY COMPENSATION INILUNSAD NG PHILHEALTH

NAGLUNSAD ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ng “COVID-19 vaccine injury compensation package” para sa mga indibidwal na makararanas ng serious adverse events o malalang side effect matapos na mabakunahan kontra COVID-19.

Ang naturang magandang balita ay inianunsiyo ni PhilHealth Vice Pres. Shirley Domingo sa kanyang pagharap sa media forum ng Department of Health (DOH) kahapon.
Ayon kay Domingo, ang compensation package ng PhilHealth ay magiging available sa loob ng limang taon o hanggang sa Marso 2, 2026; o hanggang sa makumpleto na sa ating bansa ang COVID-19 vaccination program.
Maaari naman aniya itong i-extend o palawigin ng pangulo, depende sa rekomendasyon ng advisory committee.
Sinabi ni Domingo na epektibo na ito makaraang malathala sa isang pahayagan noong kalagitnaan ng Hunyo.

Sa ilalim nito, aabot sa P100,000 ang compensation package na matatanggap ng isang miyembro kung na-ospital siya matapos na magpabakuna, ‘on top’ sa kanilang PhilHealth benefits at benepisyo sa ilalim ng kanilang private health insurance o health management organizations.

Para naman sa permanent disability o death o pagkasawi, sinabi ni Domingo na ang lumpsum ay aabot sa P100,000 at babayaran isang beses para sa benepisyaryo.

Nabatid na ang mga eligible o maaaring mag-claim ng vaccine injury compensation package ay ang taong nabakunahan, o kaya ang primary beneficiaries gaya ng asawa, mga anak; at secondary beneficiaries tulad ng mga magulang.

Nilinaw naman ni Domingo na ang “direct causality” o sanhi ay kailangang matukoy sa pamamagitan ng causality assessment.

Mayroon ding listahan ng serious conditions, para sa mga benepisyaryo. Ana Rosario Hernandez

5 thoughts on “COVID-19 VACCINE INJURY COMPENSATION INILUNSAD NG PHILHEALTH”

  1. 137025 447985I genuinely enjoy your site, but Im having a difficulty: any time I load 1 of your post in Firefox, the center with the web page is screwed up – which is bizarre. Might I send you a screenshot? In any event, maintain up the superior work; I definitely like reading you. 155914

Comments are closed.