IPINAGMALAKI ni Senate Committee on Health Chairman Christopher ‘Bong’ Go na nakikipagtulungan ang Filipinas sa America, Russia at iba pang mga bansa para matiyak na makakakuha ng COVID-19 vaccine oras na maging available na ito.
Sinabi ni Go na sa pamamagitan ng sulat, tiniyak sa kanya ni Russian Ambassador Igor Khovaev na malapit na ang completion ng binubuong bakuna kontra sa COVID-19 kung saan tagumpay ang tatlong phases ng clinical trials.
Kinumpirma naman ni Go na tatlong bagay ang nasa offer ni Khovaev, kabilang dito ang, pagsasagawa ng clinical trials sa Filipinas, sila ang magsu-suplay ng bakuha kontra COVID-19 at plano nilang mag-set up ng local manufacturing sa bansa.
Binigyang diin pa nito, dahil sa maayos na independent foreign policy na pagiging “enemy to none and a friend to all” ni Pangulong Rodrigo Duterte, nakatitiyak ang bansa na mayroong access sa development at magkakaroon ng suplay sa bakuna.
Sa kabilang banda, kinumpirma ni Go na mismong si US Secretary of State Mike Pompeo ang nag-aayos sa pulong nina US Ambassador Jose Manuel Romualdez at dalawang vaccine manufacturers.
Una nang nanawagan si Go sa gobyerno na dapat ay magtabi na ng pondo para ipambili ng bakuna oras na available na ito sa market kasabay ng panawagan niyang unahin ang mga mahihirap at vulnerable sector na mabigyan nito. VICKY CERVALES
Comments are closed.