COVID-19 VACCINE PROBE SA PSG INIURONG NG AFP

Edgard Arevalo

INIURONG ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nauna nilang pahayag na magsasagawa ng imbestigasyon hinggil sa napabalitang pagpapabakuna ng umano’y iligal at smuggled COVID-19 vaccine sa ilang kasapi ng Presidential Security Group (PSG) noon pang buwan ng Setyembre subalit nalantad lamang kamakailan.

Ito ay makaraang sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya padadaluhin o pagsasalitain ang mga kasapi ng PSG sakaling ipatawag ito ng legislative branch kasunod ng pahayag na posibleng lumikha pa ito ng minor crisis.

Kahapon ng umaga, inihayag ng AFP na pansamantalang itinigil muna ang  nakatakdang fact finding investigation para sa mga tauhan ng PSG na kabilang sa nagpaturok ng hindi aprubadong COVID 19 vaccine.

” The AFP Chief General Gilbert Gapay has called-off the scheduled fact-finding investigation today (kahapon) on the vaccination of some PSG personnel.This comes in the light of the recent pronouncement of the Commander-in-Chief and President Rodrigo Duterte,”ani AFP Spokesperson MGen. Arevalo.

“Kung magtatawag ng investigation tapos yung PSG  hindi naman sila pupunta or hindi naman sila magsasalita by invoking their right agaisnt self incrimination so, ‘yung investigation will not be able to obtain anything from the investigation kaya parang exercise in futility siya, yung pagco-conduct ng investigation,” dagdag pa ni Arevalo.

Dahil dito, wala na munang scheduled fact finding investigation alinsunod na rin sa naging pahayag ng Pangulong Duterte.

“We’ll we should be able to read in between the lines ano, sinabi na nga ni presidente na ayaw niya ng magkaroon ng investigation, parang dinidirect nya na sinabi nya yung congress o yung senate na wag nang mag investigate, pano yung, so kami pa,  na under ng executive department  should be able to understand that’s the, kumbaga sa amin sa military we call that commander’s intent so hindi na kailangan yung sabihan pa tayo ng diretso kasi commander in chief na nga yun ng AFP , the commander in chief is higher that the chief of staff, so kung yan ang sinasabi nya hindi na namin kailangang sabihan pa kami na hindi mag aattend yung psg,” diin nito.

Nauna rito, sinabi ni Arevalo, ang fact-finding team ng AFP ay binubuo ng 10 katao na pinangungunahan ng AFP Inspector General. VERLIN RUIZ

Comments are closed.