DAAN -daang Pinoy medical frontliners ang nakibahagi sa trial ng bakuna kontra COVID-19.
Nakibahagi ang mga Pinoy medical frontliner para sa Phase III trials ng COVID-19 vaccine sa United Arab Emirates.
Dahil dito, pinuri ni Philippine Ambassador to the UAE Hjayceelyn M. Quintana ang ginawang pakikibahagi ng mga naturang frontliner.
Ayon kay Quintana maraming Pinoy nurses at volunteers ang nakiisa sa Phase III trials ng naturang bakuna.
Kaya’t labis nitong ipinagmamalaki ang mga Filipino nang bumisita si Quintana sa Group 42 (G42)
Healthcare station sa Abu Dhabi National Exhibition Centre (ADNEC).
Ang G42 ay mayroong 181 na Filipino frontliners kung saan 180 dito ay mga nurse at isang doktor na nakibahagi sa COVID-19 vaccine.
Ang UAE ay kabilang sa mga bansa na nagsagawa ng Phase III trials na binuo ng Chinese Company Sinopharm. LIZA SORIANO
Comments are closed.