COVID-19 VACCINE TRIAL SA BRAZIL, VOLUNTEER PATAY

patay

Isang Brazilian volunteer sa Astrazeneca COVID-19 vaccine trial ang iniulat na nasawi.

Ito ang ibinunyag ng Brazilian Health Authority ANVISA, kasunod na rin ng pahayag na magpapatuloy pa rin ang clinical trial para sa bakuna laban sa COVID-19 na dinevelop ng Astrazeneca at Oxford University.

Kinumpirma  ng Oxford ang plano ng Brazil na ipagpatuloy lamang ang isinasagawang testing.

Inilabas naman ng Brazilian newspaper o Globo na ang nasawing volunteer ay binigyan umano ng placebo at hindi ng trial vaccine.

Hindi nagbigay ng karagdagan pang detalye kaugnay nito dahil umano sa medical confidentiality ng mga kalahok sa trials.

Samantala, tumanggi ang Astrazeneca na magbigay ng komento sa naturang isyu. DWIZ882

Comments are closed.