NAPAULAT na may isang volunteer ang nasawi sa COVID-19 vaccine trial na ginagawa sa Brazil ng Astrazeneca. Nakalulungkot ito dahil nag-aabang ang buong mundo na magkaroon na ng epektibong vaccine upang makabalik na tayo sa normal na pamumuhay.
Subalit dahil trial nga ay makaeengkuwentro ng kabiguan, ngunit hinti titigil ang nasabing kompanya at Oxford University sa pagsasagawa ng trials.
Kahit ang Sinovàc ng China ay naghahanda na rin sa paglalabas ng vaccine habang ang Avigan ng Japan ay susubukan din sa Filipinas. Ang Russian vaccine na Sputnik V ay sinasabing malaki rin ang potensiyal.
Inihayag na ng mga eksperto na aabutin ng hanggang sa kalagitnaan ng 2021 bago pa ganap na makapagpalabas ng epektibong bakuna laban sa COVID-19 kaya nasa sa atin na ang pag-iingat.
Marami pang epektibong pamamaraan na ginagawa ang mga Pinoy upang makapag-ingat bukod sa pagtalima sa health protocol. Nariyan ang tradisyonal na ‘suob’ o steam, pagpapalakas ng resistensya sa pamamagitan ng pagkain ng masusustansiya tulad ng gulay at prutas at pag-inom ng vitamin C. Nadiskubre rin ng Filipinas na mahusay ang VCO o virgin coconut oil Laban SA COVID-19.
Tayo mismo sa sarili natin ang dapat gumawa ng paraan upang malabanan ang COVID-19 habang wala pang vaccine.
Comments are closed.