COVID-19 VACCINE TRIALS SA PH ISASAGAWA NG 3 KOMPANYA

COVID-19 VACCINE-2

TATLONG vaccine developers ang nagsumite ng aplikasyon para magsagawa ng Phase 3 clinical trial sa potential COVID-19 vaccines sa bansa.

Sa isang briefing, sinabi ni Jaime Montoya, executive director ng Department of Science and Technology-Philippine Council for Health Research and Development, na ang naturang developers ay ang Gamaleya Research Institute mula sa Russia, Jannsen Pharmaceuticals Companies of Johnson & Johnson mula sa United States, at Sinovac ng China,

Ayon kay Montoya, ang Gamaleya, ang manufacturer ng Sputnik V, na unang rehistradong coronavirus vaccine sa Russia, gayundin ang Jannsen Pharmaceuticals, ay hindi pa naisusumite ang lahat ng documentary requirements.

Samantala, ang aplikasyon ng Sinovac ay kasalukuyang pinag-aaralan ng vaccine expert panel, at maaari itong umabot ng 14 araw.

Kapag nakapasa ang mga aplikasyon sa standards ng panel, isusumite ito sa Food and Drug Administration para sa final regulatory process. Maaaring aprubahan o ibasura ng FDA ang aplikasyon, depende sa findings nito.

Umaasa si Montoya na hihingi ng pahintulot ang naturang mga developer para i-distribute ang kanilang mga  produkto sa sandaling maaprubahan ang kanilang independent medical research.

“Of course, ina-assume natin na they will also apply for eventual marketing dito sa ating bansa dahil sila ay gagawa ng clinical trial dito,” aniya.

Ang Filipinas ay magiging bahagi rin ng World Health Organization-led solidarity trials sa potential coronavirus vaccines, na maaaring simulan sa katapusan ng buwan.

Ang Phase 3 ng clinical trial ang critical stage kung saan libo-libong pasyente ang kailangang turukan ng patiential vaccine upang masubukan ang kaligtasan at pagiging epektibo nito. Ito ang karaniwang final step bago payagan ang mass rollout.    CNN PHILIPPINES

Comments are closed.