INIHAYAG ng Pamahalaang Lunsod ng Paranaque na gagamitin ng lokal na pamahalaan ang lahat ng coronavirus disease (COVID-19) vaccines na ipinagkaloob ng gobyerno sa ngayong buwan ng Mayo.
Ito ang inihayag ng lokal na pamahalawn makaraang maglabas ng direktiba si Pangulong Rodrigo Duterte na agad na iturok ang mga COVID-19 vaccines bago pa man mag-expire ang mga ito o mawalan ng efficacy dahil ayaw ng Pangulo na magpatalo sa laban ng virus sa pamamagitan lamang ng kapabayaan.
Sinabi ni Metro Manila Council (MMC) Chairman Edwin Olivarez na ang lahat ng 16 na lungsod at nag-iisang munisipalidad na nasasakop ng Metro Manila ay walang problema kung ang pag-uusapan ay ang paggamit ng mga bakuna.
Ang Department of Health (DOH) ang naglaan ng bakuna na ibinase nito sa populasyon at vaccination performance ng bawat lungsod.
“Yun naman pong expiration po natin ay June 30 po. Yan basically yung AstraZeneca lang eh kasi yan lang po yung mayroong expiration so iyan po yung inuuna natin,” ani Olivarez.
Matatandaan na tinanggap ng lungsod na nanggaling sa gobyerno ang 40,000 doses ng Sinovac, 24,000 AstraZeneca doses at 5,800 doses ng Pfizer vaccines.
“Ang logistics po ang magha-handle ng atin pong storage pati yung ating storage capacity doon sa aming mga vaccination center at dito po sa Parañaque kumpleto po kami sa storage facility,” ani pa ng opisyal. MARIVIC FERNANDEZ
339428 825743I just could not go away your web site before suggesting that I extremely enjoyed the usual info a person supply to your guests? Is going to be back ceaselessly as a way to inspect new posts. 129184