Covid 19 Vaccines Safe Nga Ba? – Ang mRNA Vaccines

DOC ZACATE-ZACATERBANG PAYO.jpg

NALALAPIT  na ang pagdating ng mga bakuna sa ating bansa, ang kaakibat nito ay ang pag-asa na babalik na sa normal ang ating buhay sa mga susunod na mga buwan at taon, subalit sa isang dako din ay ang mga pag-aagam agam sa mga bakuna ng Covid-19 dahil na din sa kinasangkutang iskandalo ng nagdaang administration dahil sa Dengvaxia, at isa pang dahilan ay maari ring dahil sa ang mga bakunang ito ay bago pa lamang. Ang Artikulo kong ito ay naglalayon na ma-explain ang mekanismo at proseso ng pag develop ng mga bakunang ito at mabigyan ng kumpyansa ang mga tao sa ating nalalapit na Covid Vaccination Program.

Sa aking nakaraang artikulo ay tinalakay ko ang mga uri ng bakuna at ang makinarya nila sa katawan upang makapag produce ng immune response. Ang mga Covid Vaccines na matunog internationally ay ang SinoVac (CoronaVac) na isang “Inactivated Vaccine”, ang bakuna ng Astrazeneca ay gumagamit ng Viral Vector, at ang mga bakuna ng Pfizer, at Moderna na gumagamit naman ng Nucleic Acid material na messenger RNA or mRNA. Ang huling nabanggit ang tatalakayin natin ngayon.

Ang mRNA ay ang genetic material na mayroong sequence kung paano I-manufacture ng isang cells ang isang protein. Ang sentro ng pag-likha nito ay matatagpuan sa Ribosomes na isang component ng ating Cells. Ang Corona Virus na nagsasanhi ng sakit na Covid 19 ay mayroong tinatawag na “Spike Protein”, ito ay matatagpuan sa surface ng mismong Viral Cell. Ang Spike Protein ay isang identification na specific sa virus na nagdudulot ng sakit na Covid 19. Ang genetic material na mRNA ay mayroong sequence ng Spike Proteins ng Coronavirus na nabanggit, ito ay ang nagbibigay ng information kapag ito ay nakapasok sa ating mga cells upang mag produce ng Spike Protein na siya namang nakikita at na re-recognize ng ating Immune System upang mag produce ng Immunity laban dito. Dahil sa Immunity na dulot nito ang isang tao ay ma-proproteksyunan laban sa pagkahawa sa Covid 19, or maari ring mabawasan ang manifestation ng disease or disease severity sa isang tao kapag siya ay mahawa.

Ang mRNA vaccines ay isang bago at modernong technology, ngunit hindi lang Covid ang kauna-unahang sakit na pinag-gamitan at kinonsidera nito. Ang mga sakit na dulot ng Zika virus, Influenza Virus at Cytomegalo Virus, ay may ongoing researches sa paggamit ng bakunang ito. Isama na din natin diro ang mga ongoing research ng mRNA vaccines laban sa ilang uri ng Cancer at sakit na Alzheimer’s.

Ang tanong bakit nauna ang Covid 19 vaccine na i-develop kesa sa mga sakit na nabanggit? Ang aking opinion, ito ay may kinalaman sa marketability at urgency upang masugpo ang Covid 19, since ito ay isang pandemya. mas maraming nangangailangan ng Covid Vaccines at mataas ang demand nito sa merkado, at kapag inuna ang pagdevelop nito madaling bumalik ang napundar na pera para sa mga researches dito. Sa madaling salita HINDI ITO SA MINADALI NGUNIT ANG COVID VACCINE AY GINAWA LAMANG NA ISANG PRIORITY.

Ang mRNA vaccines ay mayroong mga disadvantages at disadvantages. Ilan sa mga advantages nito ay ang mga sumusunod:

1. Ito ay madaling ma-produce sa isang laboratory kaya ito ay mas mura kaysa iba vaccine counterpart nito,

2. Gumagamit ito ng genetic sequence ng parte lamang ng isang virus at hindi ng buong Virus kaya walang posibilidad ng activation ng virus para mag produce ng sakit hindi tulad sa mga Live Attenuated Vaccines.

Ilan naman sa mga disadvantages nito ay ang mga sumusunod:

1. Ang Reactoge­necity (Ito yung sudden inflammatory reaction na response ng katawan ng tao after mabakunahan tulad ng kirot sa injection site, fever, body weakness, rashes) ay katulad din ng occurrence ng ibang type of vaccines. Para ito maiwasan or mabawasan, ang mga manufacturers ay sinikap na maihalintulad ang mRNA duon sa natural na pino-produce ng cells ng tao.

2. Mabilis ito mag degrade environmentally, kailangan nito ng below freezing point na temperature upang ma-imaintain ang integrity at effectivity ng bakunang ito. Ang gubyerno ay mangangailangan ng cold storage facilities na makakadagdag ng gastos para sa implementation ng Covid Vaccination Programs, at ito din ay makakapagpabagal ng distribution ng vaccines sa mga tao sapagkat limited ang cold storage facilities, ang mga tao ay mangangailangan na pumunta sa mga CoViD Vaccination Centers, at mahihirapan ang gubyerno upang ihatid ito sa mga tao sa kanilang mga bahay bahay.

Kung mayroong katanungan maaring mag email sa samuelzacate@gmail.com or I like a fan page na Medicus et legem sa Facebook. – Dr Samuel A. Zacate

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *