COVID CASES SA BUONG MUNDO, 6 MILYON NA-WHO

WHO

SUMAMPA  na sa mahigit  anim na milyon ang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.

Ito ay batay sa pinakahuling tala ng World Health Organization (WHO) kung saan nasa 6.23-milyon na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa daigdig.

Sa bilang na ito, nasa 366,000 ang  mga nasawi habang nasa mahigit  dalawang milyon naman ang bilang ng mga nakarekober.

Sa Filipinas, nasa higit 16,000 na ang kaso ng COVID-19 kung saan nasa higit 3,000 na ang mga nakarekober habang nasa halos 1,000 naman ang bilang ng mga nasawi.

Comments are closed.