COVID CASES SA MAYO AABOT SA 300K- WHO

PINANGANGAMBAHANG  pumalo sa 300,000 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 ng Pilipinas sa kalagitnaan ng buwan ng Mayo.

Ito ayon kay World Health Organization (WHO) Representative to the Philippines Dr. Rajendra Yadav, ay kung magiging pabaya ang mga Pilipino sa pagsunod sa minimum health protocols laban sa COVID-19.

Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni Dr. Yadav, na nakikita niya ang numerong ito. Bagamat isang hamon, kailangan aniyang gumawa ng paraan ng bansa upang hindi magkatotoo ang projection na ito.

Ayon sa eksperto, ang mga Pilipino ay isa sa mga sumusunod sa tamang pagsusuot ng face mask laban sa COVID-19.

Bagamat nakakita ng decline o pagbaba ng compliance sa paggamit ng face mask nitong mga nakaraang araw, kailangan aniyang kumilos ang mga Pilipino at obserbahan ang minimum health protocols, kasabay ng pagpapataas ng vaccination coverage ng bansa laban sa virus. BETH C