COVID IS REAL – ACT CIS

“TOTOO at hindi imbento ang Covid. Kaya magpabakuna at ‘wag maniwala na fake news lang ito”.

Ito ang pahayag ni ACT-CIS Cong. Eric Yap matapos mag-rally ang isang grupo noong Linggo sa Maynila na nananawagan na huwag magpabakuna dahil gawa-gawa lang daw ito.

Ayon pa sa grupong Gising Maharlika, kung epektib daw ang bakuna versus Covid bakit may mga namamatay pa rin daw kahit bakunado na.

“Paano nila nasabi na gawa-gawa, e milyon na ang namamatay sa buong mundo,” ayon kay Cong. Yap.

Paliwanag pa niya, “bakuna lang talaga ang pangontra sa Covid. Yung mga namamatay ay dahil hindi pa bakunado.”

“Kung hindi naman kayo nakakatulong tumahimik na lang at wag na manghikayat o manakot ng iba,” dagdag ni Yap.

One thought on “COVID IS REAL – ACT CIS”

  1. 356357 118251I needs to spend some time learning more or figuring out more. Thanks for magnificent info I used to be looking for this info for my mission. 510367

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *