COVID LAB SA MAYNILA BINUKSAN

Testing Lab

UPANG matiyak ang kaligtasan ng mga Manilenyo laban sa sakit na COVID-19 ay pinasinayaan na ang kauna-unahang Reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) testing laboratory sa Sta. Ana Hospital sa lungsod ng Maynila.

Pinangunahan nina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan ang pagbubukas sa nasabing laboratoryo at upang matiyak ang kaayusan, kalinisan, at kaligtasan ng nasabing pasilidad.

Ayon sa alkalde, ang nasabing laboratory ay may kakayahang makapagproseso ng 200 swab samples kada araw bilang tulong na rin sa pagpapalawak sa rapid testing ng pamahalaang lungsod.

Naisakatuparab ng lungsod ang pagpapasinaya ng nasabing laboratoryo nang aprubahan ng Department of Health (DOH) ang License to Operate ng Sta. Ana Hospital para sa kanilang RT-PCR testing laboratory. PAUL ROLDAN

Comments are closed.