HALOS abot-kamay na ang 12 milyon ang kaso ng COVID-19 sa buong mundo matapos na umakyat sa mahigit 11.7 milyon ang kumpirmadong kaso nito.
Sa pinakahuling datos, nasa 11,731,000 na ang global cases ng COVID-19 makaraang makapagtala ng mahigit 170,000 na bagong kaso sa magdamag.
Nananatiling ang Estados Unidos ang may pinakamaraming bilang ng kaso na sumampa na sa mahigit tatlong milyon.
Sa magdamag ay mahigit 49,000 ang naitalang bagong kaso sa US habang sa Brazil – 1,626,071;
India – 720,346; Russia – 687,862; Peru – 305,703; Spain – 298,869; Chile – 298,557; UK – 285,768; Mexico – 256,848; Iran – 243,051
Naungusan na ng India ang Russia sa rami ng mga kaso, habang ang Peru ay nahigitan na ang Spain.
Comments are closed.