COVID TESTING LAB NASA 75

covid-lab

NASA 75 na ngayon ang lisensiyadong laboratoryo ng Department of Health (DOH) na maaaring magsagawa ng independent testing laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa DOH, lima pang laborator­yo ang binigyan nila ng akreditasyon.

Kabilang sa mga bagong PCR laboratories na sinertipikahan ng DOH ay ang Fe del Mundo Medical Center, Health Delivery Systems, San Pablo District Hospital at ang University of the Philippines Los Baños COVID-19 Molecular Laboratory.

Samantala, binigyan din naman ng DOH ng akreditasyon ang GeneXpert facility na Amai Pakpak Medical Center.

Sa kabuuan, mayroon na ngayong 55 accredited polymerase chain reaction (PCR) facilities at 20 GeneXpert laboratories ang bansa.

Bukod dito, nabatid na may 173 pang ibang laboratory ang sumasailalim sa limang hakbang na proseso ng akreditasyon upang makapagsagawa na rin ng pagsusuri sa COVID-19. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.