NAITALA ng Department of Health na may bagong 122 katao ang nakarekober sa coronavirus disease (COVID-19), araw ng Biyernes.
Dahil dito ay umabot na sa 3,720 ang total number of recoveries.
Nasa 6,634 naman ang nakumpirmang kaso ng COVID-19 sa bansa matapos na maitala ang 1,046 na dagdag na kaso ng Department of Health (DOH).
Sa nasabing bilang, 46 ang fresh cases o mga bagong kaso sa nakalipas na tatlong araw habang ang 1,000 kaso ay bahagi ng backlog sa resulta ng COVID-19 tests.
Mayroon nang 942 COVID related deaths sa bansa matapos madagdag ang 21 nasawi.
Comments are closed.