COVID UPDATES: 72 BAGONG RECOVERIES NAITALA

COVID UPDATE

MAY 72 pasyente ng coronavirus disease (COVID-19) ang nadagdag sa mga gumaling sa nasabing sakit sa loob ng 24 oras.

Iniulat ng Department of Health   na sa ngayon ay  nasa 3,249 na ang total recoveries ng COVID-19 sa Filipinas hanggang alas-4:00 ng hapon ng Mayo 24, 2020.

Sa huling datos ng DOH, araw ng Linggo ay sumampa na sa 14,035 ang bilang ng tinamaan ng nakakahawang sakit sa bansa, 9,918 sa  mga ito ay aktibong kaso habang  258 ang panibagong nadagdag na kaso.

Iniulat na 195 o 75 porsiyento ay napaulat sa National Capital Region; 51 o 20 porsiyento sa iba pang lugar; habang 12 o limang porsiyento ay repatriates.

Lima pa ang nasawi kaya 868 na ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Samantala,adagdagan nang isa ang bilang ng mga Filipino na apektado ng  COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang May 24  ay 2,523 na overseas Filipinos (OFs) ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa 46 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 1,350 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Ayon sa DFA, 879 naman ang naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Tatlo ang nasawi pa kung kaya 294 na ang bilang ng mga Pinoy  sa abroad na pumanaw dahil sa COVID-19.

Comments are closed.