IPINAGDIRIWANG ng Cowboy Grill ang kanilang ika-25 taon sa isang selebrasyon ng live bands, masarap na pagkain, kakaibang karanasan at kung saan nagmumula ang kasayahan, na siyang pinakamagandang deskripsiyon ng kanilang 25 taon.
Sa pagdaan ng taon, nanatili ang Cowboy Grill na bukod-tangi kaysa sa iba dahil sa kanilang passion for music, habang patuloy na sumasabay sa laging pagbabago ng demands sa kompetisyon.
Ipinagmamalaki nila ang kanilang security, impressive food menu, at clean fun na tamang-tama lamang para sa mga barkada at mga pamilya.
Mula sa simpleng simula noong 1994, hindi inaasahan na ang konsepto ng Cowboy Grill ay magtatagumpay tulad ng estado nito ngayon. Tinawag na Golden Pizza, ang dating Shakey’s restaurant ay nagkaroon ng krisis at tinanggal ang mga musikero at iginiit na mas magpokus sa pagkain.
Pero, nanindigan si Jun Caasi, ang COO ng kompanya, at brainchild na ang mga customer ay hindi lamang nagtutungo sa lugar para sa pagkain, nagpupunta rin sila para makinig ng live music; kaya, isinilang ang Cowboy Grill.
Ang kanilang brand ng kasayahan ay itinalaga na isang lugar na madaling pakibagayan ng bawat tao, walang pabolosong aksento, hindi naman napaka-macho at hindi rin naman napaka-ordinaryo. Laging dinarayo ng mga tao dahil sa kanilang ipinagma-malaking Alagang Cowboy, na nakapagbibigay sa mga customer ng relax na pakiramdam habang nagsasaya at nakikinig ng live music. Ito ang naging dahilan kung bakit siya nangunguna, kakaiba sa lahat dahil sa kombinasyon ng masasarap na pagkain, ma-gandang musika, at satisfying customer experience.
Habang ang iba ay tumatagal lamang ng hanggang limang taon, nagpapalit ng pangalan o tuluyan nang nagsasara, nanatiling nakatayo ang Cowboy Grill sa hamon ng panahon sa loob ng 25 taon, at nanatiling nag-iisang tagumpay na restobar na hindi kailangang magpabago-bago. Hindi naman sila naging kampante, kundi mas naengganyo sila na laging maging maayos para sa kanilang mga customer.
Nagpaplano na sila na magkaroon ng sangay sa Northern Luzon. Magtatayo na rin sila ng kiosks para sa mga eskuwelahan, ospital, para maipakita ang kanilang specialties tulad ng pizza, chicken, lugaw, at sisig.
Umaasa sila na magtatagal pa sila ng 25 taon pa o higit pa para maipagpatuloy ang kanilang ginagawa, magsilbi sa masayang customer nila at manatiling nangunguna at kakaiba sa lahat.
Para sa iba pang impormasyon, bisitahin ang www.cowboygrill.ph. Sa reservation at iba pang katanungan, tumawag lamang sa Mabini #525-1474, Malate #522-0429, Las Piñas #801-7644,Delta #922-1130. Tingnan din ang kanilang Facebook page Cowboy Grill Restaurant para sa mga update at promo.
Comments are closed.