COWBOY GRILL PAYS IT FORWARD WITH 24@24

COWBOY GRILL

INILUNSAD kamakailan ng isang kilalang gimikan ang kanilang mga bagong produkto, promo at mga serbisyo na tiyak na ikapapanabik ng mga magbabarkada kasabay ng pagdiriwang ng kanilang ika-24 na taong anibersaryo.

Ang Cowboy Grill ang nagpapaalala sa atin ng hindi mabilang na inuman sa bawat gabing gimik kasama ang ating mga kapamilya at kaibigan ha-bang nakikinig sa mga paboritong banda, mahahalagang okasyon at pagkakaroon pa ng mga kakilala.

Naging matatag ito sa loob ng 24 na taon. Na­ging saksi sa mga mahahalagang pangyayari sa ating buhay at hanggang ngayon, ito pa rin ang ating pinagkakatiwalaan kasama ng mga mahal natin sa buhay.

Sa mahigit dalawang dekada, naitayo ang Cowbow Grill para ma-accommodate ang COWBOY GRILLkostumer ng sister-company na nag­hahanap ng “live bands shows” habang nag-i-enjoy kumain. Nagbukas ang unang branch nito sa abalang kalye ng Mabini, Ermita, Manila kaya madaling nakakuha ng mga parokyano dahil na rin sa maluwag nitong “entertainment area”, magandang sound system, mapagkakatiwalaan at good-looking crew at staff, at siyem-pre pa, ang mga magagaling na banda kaya ang Cowboy Grill ang naging nangungunang entertainment spot sa Metro Manila.

“As our name implies, “Cowboy,” our resto bar is the place of people who easily get along with others. In other words, mada­ling or magaling maki­sama, walang kiyeme,” sabi pa ni Mr. Caasi, Chief Operating Officer ng Cowboy Grill.

Dahil sa bago at mas magandang konsepto para lalong mapasaya ang mga kostumer, agad itong tinangkilik ng mga mahihilig sa music, dancing at masasarap na pagkain. Lalo pa itong lumago at naging batayan ng ibang kompanya pagdating sa kahalintulad na negosyo.

“Because of its large seating capacity, Cowboy Grill serves as a mini concert venue to many aspiring entertainment groups. As a matter of fact, a number of Pinoy bands started with us, and we are very proud about it because it’s with us where they have nurtured their talents,” dagdag ni Mr. Pili, Operations Manager.

Bukod sa mga band shows gabi-gabi na nagpapatugtog ng mga paborito nating R&B, Jazz, Rock, Slow Rock at maging Hip-Hop music, maaari ring makasama sa mga okasyon at get together ang Cowboy Grill dahil mayroon na rin itong catering and functions, delivery services at iba pang party needs.

COWBOY GRILL“You can avail of our great food from 10am to 6am every day though our Hot and Ready Meals for delivery. You can order our meals using the Honest Bee app.”

Hindi lamang kilala ang Cowboy Grill sa masayang entertainment, ito rin ang lugar para sa mga naghahanap ng masasarap na pagkain. Ito ang kanil-ang napatunayan sa loob ng 24 na taon.

Nang magsimula sila noong 90’s, naging paborito ito ng mga mahihilig kumain dahil sa kanilang masasarap na pagkain. Hindi tulad ng sa ibang res-to bar, napanatili ng Cowboy Grill ang mga paborito nating Filipino dish na original ang lasa.

Kabilang sa listahan na maaaring pagpilian sa lahat ng okasyon ay ang Inihaw na Pusit, Camaron Rebosado, BBQ, Inihaw na Tilapia, Lumpiang Shanghai, Crispy Pata, Kare-kare, Beef Salpicao, Adobo, Sinigang na Baboy, Sinigang na Hipon, Sinigang na Salmon Belly, US Beef Angus Tapa, Spicy Buffalo Chicken Wings, Bulalo, different kinds of popular sisig, Steak, Ternderloin, Gambas, Inihaw na Ba­ngus, Kilawin Tanigue, Calamares, Pinaputok na Pla-pla, Pancit Bihon, Pancit Canton, Marinara, Chopsuey, Cowboy Grill Pizzas, iba’t ibang uri ng appetizers at marami pang iba.

“Our Sisig might be one of the bests that you can find in Metro Manila, our fried chickenCOWBOY GRILL is also one of our best sellers, our pizza can compete with other brands. We believe that in our industry, among other things, the food is one of the main reasons why customers go back to our establishment. Taking that as our utmost concern, we are proud with the line of dishes that we have in our menu and we are glad to offer these to our customers,” saad ng marketing manager na si Erickson Caper.

Para pasalamatan ang kostumer, sa pagdiriwang ng 24 na taong anibersaryo ng Cowboy Grill, ay inilunsad nito ang 24@24 Promo.

“Cowboy Grill is enjoying the support and patronage of our customers. They are our motivation to be better in everything that we do, and they are the reason why we are still in the industry. To thank them for their loyalty for the past 24 years, we are offering our best 24 meals at P24,” paliwanag ni Caper.

Ang 24@24 Promo ay tatagal ng 24 araw na nagsimula noong Mayo 19 hanggang Hunyo 11. Sa bawat pagbili ng Cowboy cocktail (Tropang Ta-gayan) Php 559.00, maaari silang umorder ng kahit anong meal sa listahan ng 24 meals for P24 only.

“As long as they availed of our Cowboy cocktail (Tropang Tagayan) they can order as many as 24 meals, and each meal will only cost P24. We want our customers to try and experience the good food that we offer. And I think this is the best way for them to try our great dishes,” dagdag pa ni Caper.

Ang mga meal na kasama sa promo ay Sisig Pork, Calamares, Pizza Cowboy Especiale (Crispy), Pizza Cowboy Especiale (Chewy), Pizza Seafood (Crispy), Pizza Seafood (Chewy), Cowboys Chicken In A Basket, Chicken Buffalo Wings, Nicks Chicken, Mega Sampler, Crispy Pata, Nachos Grande, Sizzling Bulalo, Mixed Seafood, Gambas, BBQ, Grilled Pusit, Ranch Beef, Adobo Caldereta, Pancit Canton, Bihon, Shanghai, Kare-Kare, and Mexican Sampler.

Sa iba pang impormasyon, bisitahin ang www.cowboygrill.ph. Para magpa-reserve o sa may mga katanungan, tumawag sa Mabini #525-1474, Malate #522-0429, Las Piñas #801-7644, Delta #922-1130. Check our Facebook page Cowboy Grill Restaurant for updates and promos.

Comments are closed.