CP GRABBING SA REPORTER, ‘CONDUCT UNBECOMING’– PNPPC

Nolasco Bathan

CAMP CRAME – NAGLABAS ng damdamin ang PNP Press Corps (PNPPC) hinggil sa paghablot sa cellphone ni GMA 7 Reporter Jun Venaracion ni Brig. Gen Nolasco Bathan habang nagko-cover sa Pista ng Itim na Nazareno sa Quiapo noong Huwebes, Enero 9.

Bukod sa pag-agaw sa cellphone, ipinag-utos pa umano ni Bathan na burahin ang video na kuha ng reporter hinggil sa girian ng mga pulis at deboto.

Ayon sa PNPPC, ang ginawa ni Bathan ay hindi lamang pag-atake sa press freedom kundi pagdurog sa karapatan ni Veneracion bilang sibilyan at mamamayan ng Filipinas na nangangahulugan na pagsikil sa malalayang pamamahayag at basic rights ng mamamayan na alinsunod sa Saligang Batas.

Bagaman nauunawaan ng PNPPC na sinunod lamang ni Bathan ang utos na tiyakin ang kaligtasan sa tradisyonal na religious event, maituturing na hindi kaaya-aya ang ginawa nito.

“We understand the stress and pressure brought by the long preparation and the situation on the ground during the incident, but General Bathan’s thug-like attitude in front of his men is plain and simple conduct unbecoming of a PNP member, of a police gene­ral,” bahagi ng statement.

Samantala, kinilala naman ng press club ang hakbang ni PNP-OIC Lt. Gen. Archie Gamboa na imbestigahan ang insidente gayundin ang paghingi ng paumanhi ni Bathan kay Veneracion.

Mananatili naman ang mutual respect at pagkakaunawan ng PNP at press. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.