CPB AND CRIS SOLO CHAMPION SA 2019 WORLD SLASHER CUP

PUSONG SABUNGERO

KATATAPOS  lamang ng taunang OLYMPICS OF COCKFIGHTING, ang WORLD SLASHER CUP INVITATIONAL 9 COCK DERBY,  kung saan itinanghal na kampeon si Governor Claude Bautista ng DAVAO DEL SUR at si CRIS COPAS ng KENTUCKY, USA.

Ngayong  taon marahil ang isa sa pinakakapana-panabik na bakbakan ng mga magagaling na manok sa buong mundo at hang-gang sa huling SULTADA ay hindi pa malinaw kung sino ang tatanghaling kampeon. Ang huling laban nang gabi ng finals ay dalawang magagaling na magkatunggali na kung sakaling matalo ang pambatong roundhead nina GOV. CLAUDE at CRIS ay tatlo ang tatanghaling kampeon sa labanang ito, ang entry ng RGBA and friends sa pangunguna nina Jojo Gatlabayan  at Atty. Rey Di-recto, ang TEAM ALCALA ni Cong Kulit Alcala ay pumuntos  din ng walong panalo at isang talo at si Santi Sierra naman ay umiskor ng 7.5 points. Napakahigpit  at sikip ng labanan lalo na sa mga sumaling galing sa GUAM na sina EL­MER STOKWA, BELLE ALMOJERA ng Florida, and former WSC champions  Patrick Antonio, Nene Araneta at Biboy Enriquez.

“The best roosters are here in the Philippines,” sabi ni Joe Brown, mga kasama nina Gov. Claude at Cris Copas sa kanilang champion team at mariing binanggit ni CRIS na talagang suwerte ang nagdala sa kanilang kampeonatong ito suba­lit hindi maika-kaila ang lakas at masigabong palakpakan ng mga sabungerong nanood sa ARANETA COLI­SEUM nang tapusin ang laban na tila knockout ang huling sultada ng gabing iyon.

“We prepared for this and I sent my stags from Kentucky to the farm of Govenor Claude two years ago, this ia a combination of KELSOS, ROUNDHEADS and SWEATERS that I have bred for quite a long time now. We let hem molt for two times and took good care of them with the help of my handlers led by TATA since they arrived in the ­Philippines. I would say it was both a com-bination of health, qua­lity bloodlines and teamwork that brought us to the top,” mga katagang binitiwan ni Cris Copas pagkatapos niyang tanggapin ang WORLD SLASHER TROPHY.

Umabot sa mahigit 250 entries ang sumali at 37 ang pumasok sa grand finals. Lima ang nagtala ng 5 panalo at walang talo, sa-mantalang dalawang entries naman ang umiskor  ng 4 na panalo at isang tabla o 4.5 points. Ang karamihan ay pumuntos ng apat na panalo at isang talo (4-1) at 3 panalo at dalawang talo (3-2).

Sa loob ng mahigit 50 taon na, ang WORLD SLASHER CUP ay si­nimulan ni DON AMADO ARA­NETA, ama ni NENE ARANETA, at magmula pa noon ay naging magandang tradisyon na ang sabong sa ating bansa na itinuturing na isang napakagan-dang industriya at kultura na patuloy na tumutulong at nagbibigay ng disenteng hanapbuhay sa milyon-milyong Filipino.

Kaya sa darating na Pebrero 22, 2019 sa TAGUM CITY, DAVAO DEL NORTE, markahan po ninyo ang petsang ito dahil bibisita ang sikat at alamat na breeder ng AMERIKA na si DINK FAIR na inimbita ni LARRY RUBINOS upang maging pa-nau­hing panda­ngal at magbahagi ng kanyang ka­alalaman sa pagpapalahi ng manok kasama ang TATAK EXCELLENCE at mga CHAMPIONS OF EXCELLENCE.

CONGRATULATIONS DIN PO KAY FRED PALMARES ng SITIO TARUC ENTRY na siyang hinirang sa SOLO CHAM-PION sa nakaraang NUESTRA SENORA DE CANDELARIA 7 COCK DERBY sa Jaro, Iloilo na pinamumunuan ni LUIS CHITO TINSAY.

Comments are closed.