NANINIWALA ang Department of National Defense (DND) na tuluyan ng hihina ngayon ang pwersa ng mga local terrorist sa bansa.
Ito ay kasunod ng pagkamatay ng leader ng New People’s Army at Dawlah Islamiyah sa magkahiwalay na operasyon sa Bukidnon at Maguindanao.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, ang pagkakasawi nina Jorge Madlos alias “Ka Oris” at Salahuddin Hassan sa pamamagitan ng internal security operations
Pilay at malaking epekto sa operasyon ng mga local terrorist group na patuloy sa kanilang tangkang paghasik ng karahasan lalo na sa Mindanao.ang pagkasawi ng dalawang lider.
Samantala, nanindigan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Army (PA) na nasawi sa engkwentro ang mataas na leader at tagapagsalita ng New People’s Army (NPA) na si Jorge Madlos alyas Ka Oris.
Ang pahayag ay ginawa ni AFP spokesperson Col. Ramon Zagala matapos sabihin ng CPP-NPA na tinambangan si Ka Oris at walang nangyaring engkuwentro.
Agad ding tinuligsa ng Eastern Mindanao Command (EastMinCom) sa pangunguna ni LtGen. Greg T. Almerol ang ginagawang pagbaluktot ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa pagpapakalat na napatay sa ambushed si “Ka Oris” para lamang makiwas sa kahihiyang inaabot nila.
Pahayag naman ni Col lehitimo ang kanilang operasyon at inaasahan na nila ang “misdirection” o panlilito na gagawin ng NPA sa pagkamatay ni Ka Oris lalo pa’t malaking dagok sa kanila ang pagkasawi nito.
Matatandaan na nasawi si Ka Oris sa kamay ng 403rd Brigade ng 4th Infantry Division na pinamumunuan ni Army Maj.gen Romeo Brawner nitong nakalipas na October 29 sa Sitio Gabunan, Brgy Dumalaguing, Impasug-ong, Bukidnon sa gitna ng engkwentro sa 30 iba pang NPA.
Siya ang sinasabing commander ng National Operations Command, NPA spokesperson at miyembro ng Central Committee-Execom. VERLIN RUIZ