CPP-NPA HIGH RANKING TERRORIST UTAS SA SAGUPAAN

EASTERN SAMAR- NAPATAY ang high-ranking Communist Terrorist ng CPP-NPA Sub-Regional Committee (SRC) Sesame, Eastern Visayas Regional Party Committee (EVRPC) nang makasagupa nito ang mga sundalo mula sa 78 Infantry “Warrior” Battalion, 8th Infantry “Stormtroopers” Division, sa bulubunduking bahagi ng Brgy. San Gabriel, Borongan City nitong nakalipas na Linggo.

Sa ipinarating na ulat sa tanggapan ni Army Commanding General Lt. Gen. Roy Galido, habang nagsasagawa ng routine combat operations ang tropa ng 8TH id ay nasabat nila ang isang armadong grupo na kasapi ng Apoy Platoon, SRC Sesame na nauwi sa sagupaan.

Dito napatay pinuno ng armadong galamay ng Communist party of the Philippine na kinilalang si Martin Colima Alias Moki.

Sa takot na maubos silang lahat ay mabilis na tumakas ang mga rebelde at iniwan ang bangkay ng kanilang pinuno . Nabawi sa encounter site ang isang caliber 45 pistol, pitong backpacks at subversive documents.

Ayon kay 78IB Commanding Officer, Lt. Col. Allan Tria si alias Moki at grupo nito ang responsable sa mga terroristic activities sa Eastern Visayas.

Sila rin umano ang nasa likod ng pagpatay sa anim na sundalo at pagkasugat ng 20 iba mula sa Army 14th Infantry Battalion kasunod ng naganap na sagupaan sa Brgy. Pinanag-an, Borongan City noong Nobyembre 11, 2019.

Bukod dito, nahaharap din si Alias Moki sa multiple cases gaya ng murder, attempted murder, frustrated murder, at robbery.

Siya rin ang mastermind sa pananambang sa National Highway sakop ng Barangay Libuton, Borongan City, Eastern Samar noong Disyembre 13, 2019 na ikinasawi ng isang pulis, tatlong sibilyan at pagkakasugat ng 12 iba pa kabilang ang isang menor de edad at isang taong gulang na sanggol. VERLIN RUIZ