(CPP-NPA kumita ng $60M) IPs IPINANLIMOS SA INTERNATIONAL COMMUNITY

indigenous people

CAMP AGUINALDO – NAGBANTANG mag­lulunsad ng tribal war ang iba’t ibang grupo ng mga indigenous people (IPs) oras na hindi matigil ang panghihimasok ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA)  sa kanilang mga ancestral land.

Ito ang pahayag kahapon ni Joel Lipatuen Onat, Chairman ng Mipse (Mindanao Indigenous Peoples Council of Elders) sa ginanap na pulong balitaan sa Camp Aguinaldo.

Ayon kay Onat, umabot na sa sukdulan ang galit ng iba’t ibang tribu sa Mindanao sa paggamit sa kanila ng CPP-NPA na ipinakita ng grupo na Bayan Muna Representative Satur Ocampo at ACT  –Teacher Partylist Rep Castro na umuubos sa kanilang mga kabataan.

Isang resolusyon din ang inilabas ng Minda­nao Indigenous Peoples Council of Elders and Leaders na kumukondena kina Ocampo at Castro at sa buong hanay ng CPP-NPA bunsod sa paggamit sa iba’t ibang lipi sa Mindanao region.

Bukod sa puwersahang paggamit sa mga batang katutubo ay pinagkakakitaan pa umano ng CPP-NPA ang kanilang mga kalipi sa pamamagitan ng pangangalap ng pondo o foreign financial support sa Europe.

Ayon kay Lipatuen, pinakahuli rito ang nakalap na foreign aid ng CPP-NPA gamit ang mga  ethnic tribes na umaabot sa $60-million subalit wala namang nakarating sa mga katutubo.

Sa nasabing manifesto ay hiniling ng MIPCEL na buwagin ng pamahalaan sa pamamagitan ng DepEd ang may 73 eskuwelahan ng Salugpungan Learning Center sa buong Mindanao dahil dito umano kukuha ang grupo ni Satur ng mga batang sinasanay para sa armadong pakikibaka at mga pagkilos o kilos protesta sa mga kalunsuran partikular sa Metro Manila.

Sa nasabing pagpupulong ibinulgar din ng mga dating mag-aaral ng Salugpungan Learning Center at Alcadev na marami sa kanila ang naging biktima rin ng sexual harassment, may isang guro rin ng nasabing paaralan ang nagsabing biktima siya ng pangga-gahasa.

Ito ang dahilan kaya napilitan na umanong magsama-sama ang iba’t ibang tribu sa Mindanao upang kondenahin ang pagsasamantala ng CPP-NPA sa mga kabataang katutubo. VERLIN RUIZ

Comments are closed.